torture away :)

Smiled Responses

    1. ramon bautista

      Ser ser ano mas trip nyo, hipon na sobrang sexy o chubby na cute? :)

      chubby na cute all day

    2. ramon bautista

      Sir RB. May guy bestfriend ako na hindi ko malaman kung gusto niya ko or what. Ayoko magfeeling o magassume, masaktan lang ako. Eh parang medyo may feelings ako for him.. alam niya na crush ko siya dati, sinabi ko yun nung close na kami. At ang sagot...

      niya lang sakin nun is maraming tawa. marami rin nagsabi na type daw ako nun pati mga kaibigan ni boy. kaso feeling ko asar lang yun. alam ko naman na bestfriend din niya ko, pero hanggang dun na lang ba? may pag-asa pa ba? natatakot ako aminin sknya.</33

      may napanood akong jolina-marvin agustin movie. magbestfriends sila tapos nahulog loob ni bujoy(jolens) kay marvin. e nag i love u sya kay jolina. kinilig si jolens sabay sabi ni marvin, ayos ba? praktis lang yon! gagawin ko kasi yun kay vanessa na pretty girl at hindi pang tropa tulad mo. englishera pa. nahurt shempre si jolina, nagwalk out at bumanat ng "i made a stupid mistake of falling in love with my bestfriend" nung nahabol ni marvs. nangyari sa huli, naawa nalang ata si marvin kay jolens tapos naging sila na lang.

      ang point ko rito ay, wag ka nang umamin. hintayin mo na makatiempo sya na magsabi kasi sabi mo nga gusto ka rin nya.

    3. ramon bautista

      Sir RB, tulong naman. May gusto po akong guy, at feeling ko alam na niya. Kaso di yata ako gusto, hindi dumada-moves eh. Mahiyain lang kaya siya? O asa lang ba ako?

      di ka gusto nun. mag aral ka nalang muna

    4. ramon bautista

      Sir RB, crush ka ng dormmate ko! :)

      Sabihin mo sa dormmate mo gusto ko sya maging dormmate hihi

    5. ramon bautista

      Ano po ang maganda (at unique) na quote/statement ang pwedeng ipalagay sa shirt? Para po sa babae. :)

      "boyfriend ko si ramon bautista"

    6. ramon bautista

      Ililibre mo ba ko ng fishballs kung makakasalubong mo ko sa campus habang suot suot ang "boyfriend ko si ramon bautista" shirt? O di mo ko papansinin kasi ang weird ko? :)) Or wala lang? :))

      di lang ililibre ng fishbols, tatandaan ko pa bday mo tapos babatiin kita na walang paalala paalala ng facebook. ayos ba?

    7. ramon bautista

      sir feeling ko po hindi ako karapat-dapat sa UP :( nung first sem may isa akong 3.0 tapos last sem dalawa na 3.0 ko tas may isa akong 5.0 :((( sir wala na ba ko pag-asa? sa tingin niyo po ba dapat na ko maghanap ng ibang school na lilipatan?

      pasado naman yung mga tres tapos isang singko lang, suko ka na?! hintayin mo muna patalsikin ka. be strong

    8. ramon bautista

      Sir, paano po ako papasa ng UPCAT? Ang hirap po kasi ng review namin. Hindi pa po namin nagpagaaralan sa school. Paano ako maghahanda kung sa August na po yon?

      basta mag review ka lang. saka mag practice ka sa shading nung bilog. baka mabagal ka magshade

    9. ramon bautista

      gusto ko pong maging pogi tulad niyo kahit girlie ako. hahaha

      mahirap ma achieve yung level ng kapogian ko. mag gerald andersons ka nalang

    10. ramon bautista

      Hi, sir ramon. Incoming freshmen po ako ngayon sa ADMU. Tas sabi ng tatay ko wag ko daw kaibiganin yung mga maarte. Kung di ko sila kakaibiganin, wala naman akong friends kasi almost lahat sila maarte :( WHAT NOW :(

      hahahaha baaad kaaaaa

    11. ramon bautista

      sir, paano mo sasabihin sa isang babae na tumaba sia sa paraan na di sia ma-ooffend? :D

      "alam mo girlie, umiimport na tayo ng bigas kasi kulang yung rice supply natin. gawin kaya nating advocacy ang pagtitipid sa kinakain na kanin?"

    12. ramon bautista

      sir ramon! mahal na mahal ko girlfriend ko!kilala mo sya!hihi

      kilala ko? hala! halos lahat ng kilala ko, malalandi

    13. ramon bautista

      Sir Ramon bakit po ba ang gwapo niyo?

      anong sawsawan ng fishbols ang trip mo?

    14. ramon bautista

      Sana lahat ng lalaki katulad mo yung alam kong di ako masasaktan. yong never akong malulungkot sa kakatawa. yong tipong sobrang bait at humble. hayy sana nga lang maraming ramon bautista sa mundo kaso nagiisa ka lang. :(

      humble? maya't maya ko kaya niyayabang kung gano ko kapogi.

      yaan mo, hangga't single ako, may pag asa ka :)

    15. ramon bautista

      Sir, ano po bang ultimate advice na maibibigay niyo para makapasa sa parating na UPCAT? Halos lahat po kasi hahamakin ko kahit madestino pa ako sa UP Mindanao. Ano nga po pala yung second campus choice niyo nung HS kayo?

      UPLB vet med. pag napunta ako dun baka ma kick out lang ako kasi mahirap na course yun

    16. ramon bautista

      Pag gusto ko pong tumawa, ppunta lng ako sa account nyo. Solve solve nako :))) Bat ang talino nyo po Sir? pengeng utak. hahaha:D

      minsan, naiisip ko na di naman ako nagpapatawa e. baka nakakatawa lang yung buhay na sinasabuhay ko

    17. ramon bautista

      Sir, bakit po parang pumapayat kayo?

      sa picture lang. ang laki ng binigat ko kakakain ng soft batch

    18. ramon bautista

      Sir R, saan ho kayo pinaglihi ng nanay nyo?

      kay vilma santos. kaya kamuka ko si lucky

    19. ramon bautista

      Sir RB anu opinion mu s fisrt cousin relationship..???

      Magkaka anak kayo na abnormal dahil sa inbreeding pero bago yon, yari kayo sa mga tita nyo

    20. ramon bautista

      Favorite mythical creature?

      one true love

Jo Villanueva ’s Bio

Taguig, Philippines

charinajoy19.multiply.com

University of the Philippines,
Los Baños, Laguna

BS Agricultural Economics
UPAEMS (batch foursomewholesome)

Life is sweet, Life is Good
Why frown in front of your food?