ano ang pinakamasarap na pakiramdam na naranasan mo?
Last two years ago, nagkaroon kami ng trip sa Caramoan Group of Island, Camarines Sur. May 1 yun, summer dapat pero dahil sa hanapshet na climate change binagyo kami at na-istranded ng apat na araw sa isang isla sa Caramoan.
Sa apat na araw na yun, sarili namin ang isla. Noong mga unang araw, masaya! Kahit binabagyo kami, nagkakantahan at inuman galore. Yung pangatlo o pang-apat na araw, hindi na ako mapakali sa katawan ko dahil sa tagal ko nang hindi nalilgo ng maayos. Sa poso lang kasi o sa balon o kapag tinatamad mag-igib ay naliligo na lang sa rubbing alcohol.
Pag-uwi ko ng bahay, yung unang paligo ko sa totoong banyo, yun ang pinakamasarap na pakiramdam na naranasan ko.


