-
-
Sir example naman dun sa sinasabi nyong kanta ni katy perry na hindi nyo gusto dahil ginagaya ng mga kabataan. elaborate din :) thank you po!
eto para tapos na para sa mga hindi maka gets
halimbawa, sinasabi nya na ang pagkakaroon ng ka-landian saka pampakilig ang depinisyon ng living the teenage dream e dapat yung makapasa sa school at maghanda sa kinabukasan..
saka shempre pinapalabas nya na cool maging california gurl, so mag aaspire tayo maging ganun, e yung pormang daisy dukes, pekpek shorts din kaya yon, buti kung nasa beach e kung sa eastwood lang?
hindi naman sa hindi ko gusto pero may mga ibang teenagers masyadong tinatanim sa isip nila na gayahin yan bilang buong depinisyon at piliospiya na ng buhay nila e nakakatuwang expression lang naman ng pagiging masayahin at fun ng pagiging teenager yung kanta.
nakakainis ka naman kailangan ko pa i explain, andaming beses ko na sinabi yan -
Hi Sir RB! Bago lang po ako dito. Nakakatuwa pong basahin mga advices nyo. Nakakarelate din kasi ako sa ibang mga tanong. :)) gusto ko po kayong makita in person kasi sabi ng friend ko na ang gwapo nyo daw. :D
hindi nagkamali ang friend mo tungkol sa pagka gwapo ko pero ikaw nagkakamali ka sa advices - plural at singular na ang advice, parang deer <3
-
may boyfriend po ako pero wala siyang kotse. Dapat po ba akong malungkot?
Sya ang dapat malungkot kasi hindi ka tulad ni vanessa carlton na kaya magwalk a thousand miles <3
siguro maarte ka na, feeling ka pa hihi -
Sir, may guy na pumunta sa competition ko nung weekend na may dalang girl. Tapos may nagtext sakin na naghold hands sila. Sinasabi niya sakin "friend" daw niya. Dati ko pa inamin na gusto ko siya. So now dapat ko ba siyang i-confront? Ang kapal ng muka.:(
wag mo na i-confront. iparamdam mo sa kanya na wala sya sa radar sayo. tandaan mo, ikaw ang pinuntahan sa competition mo. ikaw ang star, ikaw ang winner at ang kaholding hands nya na girlaloo ay audience lang para mamangha sa galing at alindog mo <3
-
If there was a clash, who would win? Marvel vs DC?
Marvel! they're marvelous!
-
Do you talk a lot on the phone?
The official Formspring Android app is live
salamat sa unli, oo. pero nakakainis pag sa kaintense-an ng discussion mo mapuputol sa 12 minutes grr
-
Sir RB, pano ba ang proper way of confessing to a girl?
wag mong gayahin si usher na may papart2- part 2 pang nalalaman. dapat isang bagsakan na lang para tapos na
-
sir rb, nagsasagot ka din pala ng tanghaling tapat? akala ko tuwing madaling araw lang. iba ka talaga, superb 24/7!
parang love, walang pinipiling oras ang pagsagot ko <3
-
Sir Ramon, may counter pre-emptive tips ka ba jan para sa Awkwardness?
Dapat may naka save ka na sa utak mong small talk topics for discussion tulad ng:
Bakit di nakakalipad si Jollibee?
Bakit walang caveman na multo?
Mga nakakainis na bagay tulad ng mahirap hanapin ang scotch tape, nawawalang remote ng tv saka mga titang nagyayabang ng pamangkin
Sinong artista ang palagay nyo bakla -
Hello po Kuya Ramon! sabi po nung guy friend ko, sinasabi lang daw po sayo ng taong gusto mo ang mga words na "Not the right time" kapag ayaw niya daw po sa inyo? totoo po ba yon? :)
Totoo yon! Magconcentrate ka sa isasagot mong counter pre emptive supalpal jan. "kung hindi ka ready mag grow kasabay ako, i will not wait for your time" sabay alis
Iparamdam mo sa kanya na mag s stagnate sya sa kanyang buhay na takot mag move forward. Ikaw ang progressive at matapang apir! -
Sir Ramon. Congrats! Lovelovelove! Hahaha! Bat ganun actor,rapper and director yung description sayo dun sa blog? Napaisip ako, kala ko komedyante ka. Hehehe.
yan ang pagkakakilala nila sakin. alam mo naman ako, parang swiss knife, all around internet action star, at higit sa lahat, next boyfriend material <3
-
Sir, pa'no po ba ako makakaalis sa friendzone? :(
kiss mo bigla. pag kinilig yun, edi kayo na. pag hindi, edi friendship over
-
sir nasubukan mo nabang makisukob sa payong ng crush mo? hhmmm...
ang mga action star na tulad ko, di nagpapayong
-
love or loyalty depend your answer.
DEPEND MY ANSWER? Depend on what?!!
-
When a balloon flies to the skies.Will it go to Jesus?
if it has faith
-
Sa tingin mo, Gwapo ka ba?
kung napapangitan ka kay jake gyllenhaal, wala naman ako magagawa
-
ang conceited mo naman sir ramon, yung who made ramon bautista smile eh sarili mo lang. just sayin' ;)
Di naman sa conceited, ang akin lang e, kung sa iba natin iaaasa ang pagpapasmile at di natin kaya pangitiin ang sarili natin, magiging emo na tayo lahat nyan ...just sayin.
-
Pinapatanong po ng brotha ko, bakit wala na daw po kayong magic show?
everyday i make magic happen. the magic of love <3
-
Choice ba ng instructor na huwag mag-summer class?
shempre naman. e kung gusto nya mag boracay? tao din sya hihi
-
Sunburn’s Bio
Just this awkward girl with messy hair. Someday she'll travel the world. But for now, she'll be dealing semantics, syntax, phonetics, and tons of paper work.














Loading...





























































