-
-
sir ramon! panu ung counter-emo techniques mo? paturo naman oh please
modular life method
gawing hiwa-hiwalay na segment ang ibat'ibang aspeto ng buhay mo at wag na wag pagsamahin ang bawat isa. trabaho, set of friends I, set of friends II, set of friends III, pamilya, pansariling kalusugan, trabaho I, trabaho II, hobby I, hobby II, lovelife.
kapag may pumalpak sa isa sa mga yan (na magiging sanhi ng katakot takot na emo), isolated sya sa ibang "modules" ng buhay mo. yun lang ang apektado at habang apektado yun, pwede kang mag concentrate muna sa iba mong ginagawa. iwasan mong i-integrate ang dalawang aspeto ng buhay mo into one module dahil pwede itong ika-collapse ng self-world mo sa pagdodomino effect- at pagkalat ng kalechehan in case may magfail.
shempre pino promote ko rin ang pagkakaroon ng maraming modules ng life para naman maging multi-dimensional ka, na isa nanamang topic sa isinusulat kong libro na "never be an emo again".
anyway, yan ang summary ng modular life method. mas prevention sya kaysa cure sa pagka emo. -
Sir RB. Okay lang ba magconfess ng feelings ngayong christmas? Nagdadalawang isip ako e. Baka ako mareject paskong pasko pa naman. Happy holidays handsome. :P
e ano kung ma reject ngayong pasko? isang linggo nalang at pwede mo ulit sabihin na "lets start from scratch"
-
Sir Ramon! Can't get enough of your responses.. The best one was about the cyber bullying sheez.. Clap! Clap! Stay down, stay brown.. Keep the Filipino pride alive! Much love and respect.. :)
napaka Fil-Am na konsepto nyang Filipino pride. dito sa pilipins tawag dyan, livin the punk rock way of life believing that its the best while saying pakyu to anyone who tells us otherwise. much love and respect to you also mabuhay peenoy!
-
sir pogi bkit gnun? ang mga basketball player khit panget feeling nila ang gwapo nila tangina! mga choosy!! at feeler!! kung maglandi wagas! tas puro magaganda at chics ang kinakaibgan , kainis lng!!
Siguro bitter ka lang kasi di ikaw pinipili nila hihihi sa gitarista ka na lang o kaya sa artist
-
sir paano pag ang boyfriend mo ai napaka preserve na tao, ano po ba dapat kung action na hindi xa malalandian?
Ginawa mo namang strawberry yang lalake mo, baka reserved as in mahinhin. Smile-an mo lang at titigan baka makuha sa kabaitan. Kung preserved pa rin, i-off shoulder mo yung top mo at pa-hello mo sya sa balikat mong silky smooth sabay sabi ng kaakit akit na, "oops, sorry, im preserving that for someone special"
-
real life situation: matagal magkakilala pero di sobrang close, yung family ko nahuhuli na nakatingin si boy sa akin. minsan nung inihatid nya ako at nasa kotse kami iba ang titig nya. mga sampung taon ko na syang crush. i ask for ur best umbrella friend.
wag ka magfeeling hanggang di sya umaamin. sabihin mo rin yan sa familia mo
-
Kat’s Bio
I send hugs through buses and planes. (profile pic by Ed Ruscha.)
Wants Questions About
- anything











Loading...












