-
-
Sir, pag nakita po ulit kita sa personal, pwede po ba akong humingi ng advice? Nastarstruck kasi ako nung unang beses kita nakita eh. Ang pogi nyo pala talaga.
grabe minsan pag tinatanong ko sarili ko ng advice, napapatitig nalang din ako sa pagka starstruck. dito mo nalang itanong ate
-
SRB! Mejo bothered ako kasi anjan yung ex ng boyfriend ko. Tapos kanina ikinompare nya ko sa kanya. Ano ba yun? Wala lng a yun?
napaka walang modo naman nyang bf mo. ikumpara mo kaya sya sa aso nyo tignan natin kung di sya masaktan
-
sir RB! idol! matagal ko na pong tanong sayo ito, pero wala pang sagot.. paano po kontrahin ang pagka-ilang? i mean, naiilang na po kasi siya sakin mula nung umamin ako sa kanya. ano po magandang gawin? nagmomove narin po ako, ayaw ko lang na naiilang sya
malamang mailang yon, umamin ka ba naman sa taong walang interes sayo romantically shempre iisipin nya lahat nalang ng interaksyon nyo may malisya. nilagay mo sya sa posisyon na makakapag feeling sya.
matagal ko nang sinasabi sa inyo na pag may gusto kayo sa isang tao, iparamdam nyo lang at pag nailang sya, sabihin mo, "feeeeliiiinggggg" <3 -
Sir RB, bakit ganun? Friends lang kami pero sobrang affected ako na mejo lumalayo na siya sakin. Nakakainis lang kasi dati naman di siya ganito.
may gusto ka sa kanya at clingy ka. kailangan maging strong ka at marealize mo na hindi sa kanya umiikot ang mundo <3
-
Sir, bakit kaya ganun. After namin mag-"afternoon date" nung guy friend ko na crush ko, hindi na nagparamdam sakin?
may ginawa ka sigurong hindi likeable like ordering 3 extra rice for yourself only.
remember girls, dont order extra rice on the first date -
Sir RB, pano po ba mag move on? six yrs po kasi kame ng ex ko tapos bigla na lang sya umayaw.. ang dahilan niya ugali ko.. :(
pwes, idahilan mo rin na ang kakulangan nya sa pagsakay sa ugali mo ang dahilan kung bakit ayaw mo sya
-
Nakakainis naman Sir RB. Napakahirap pala na yung EX mo e maganda ang takbo ng college life samantalang ako e delay na sa pag graduate. Hindi ko na ma-apply ang reverse bittering, hindi na epektib sa akin na okay lang madelay kasi taga UP ako. TSK!
HOYYYY hindi reverse bittering ang sagot sa problema mo kundi "pag aaral nang matino"
-
Ang charisma mo sir dama ko hanggang bone marrows ko!!! :">
ang sarap naman..parang bulalo <3
-
what are the perks of being a pantropa girl?
ang the best sa pagiging pantropa girl ay sayo pinakahonest ang mga lalake
-
Sir sa tingin mo, Bakit ang dugo pwede i donate, Bakit ang FATS hinde?! UNPEYRRRRR!!!
sino nagsabi? tumatanggap ang chicharon factory nyan ano!
-
ok bang makipag date sa enchanted kingdom? baka naman puro advantage lang yun kay boylaloo kapag sobrang nakakatakot sumakay sa rides?
feeeeliiiiinggg!!! paano pag nasa rides, kung sya mismo kapit na kapit sa bakal at busy tumili, makakapanchansing ba yun?
-
Bakit hindi ka na nag ddraw something?
Nung una kala ko forever na, like love.
Yun pala nakakasawa sya, like love.
Hihihi <3 -
sir RB, pwede bang manligaw ang isand babae? :)
Sa akin hindi ok na ako ligawan...gusto ko ako manligaw.
Pero sana sagutin ako agad hihihi <3 -
sir. salamat. kahit mahirap ianalyze yung sagot nyo saken. namulat ako. hahaha
Di ko kayo is spoonfeed kasi alam ko matatalino naman kayo maski natatanga pag umiibig <3
-
Agree or Disagree: Women are better drivers than men.
Napatigil ako nung nagmamaneho nanay ko at may nang cut sa kanya, bumanat sya ng enigmatic na, "antanga tanga nung driver, palibhasa babae.."
-
idol for you...what is the key to happiness?
lowering your standards
-
Sir, bat may ibang mga lalake na mahilig sumipol tas mag-ha-hi miss pa sayo pag dumadaan ka? I don't feel comfortable, minsan nababastusan na ako. Hindi naman revealing ang mga suot ko or sexy-ish type, pero bakit ganun parin? :(
tanggapin mo na na marami talagang manyakis sa mundo
-
Gra-graduate na ako. Diko alam kung anong next.
uhmmmm... magtrabaho?
-
hi sir! salamat sa FS at dahil dito ay napapangiti mo ko lalo na sa mga pagkakataong malungkot ako. apir!:)
ayos. at gusto ko lang i-announce na kasama na sa twitter, tumblr at formspring ang instagram ko sa ramon bautista internet love triangle
search nyo sa instagram: ramonbautista
so apat na pala at hindi na love triangle kundi..love trapezoid -
SIR RBBBBBBBB! Sa mundo ngayon, wala na talaga akong matanungan. HAHAHA! Saan ba may photography class na pang summer lang? Yung near QC lang. Hahaha. Salamat :p
sa UP meron. tignan mo sa website ng UP Film Institute. ang magtanong kung ano/saan website ng UPFI, panget
-
Cien’s Bio
because my name means one hundred.













Loading...



































































