Ask me any question..
Smiled Responses
-
-
Hindi ako makapagdecide kung anu-anong MMFF Movie ang dapat kong panuorin. Any suggestions?
segunda mano. masarap panoorin si kris 'pag hinahabol ng multo. sana sa totoong buhay din... habulin siya ng mga multo sa sendong.
-
Sir RB, nakakuha ako ng Film 12! Just hoping na ikaw yung prof. Kinikilig po ako. ^__^
baka pag ako nga prof nyan, ang matutunan mo lang...mahalin ako hihihi <3
-
so sir ibig nyo pong sabihin wala nang value ang virginity sa panahon ngayon?
ok para matapos na yang virginity kadramahan na yan ha
yung mga lalake na malalaki ang ego na maliit ang bird, ang gusto, virgin si girl kasi number 1) gusto nila sila ang makauna. pag sila ang nakauna, sila ang mas nanalo ng reward, kumbaga. "ako nakauna jan" ang hirit na pangyabang mala first man on the moon o kaya unang nakatapak sa tuktok ng everest. sus, ginawa namang adventure yung babae. tao sila ok? number 2) si girl ay "pure". hindi talipandas, maharot, malandi, pokpok, mahalay, at kung ano anong paratang na katumbas ng pagiging malibog. ayaw ba ng mga lalake sa babaeng malibog? hindi naman, ok nga yun e. pero mas ok sana kung lalabas na malayo ang agwat ng level of hornyness ni boy kay girl. pag si girl ay mas promiscuous kay big ego boy, mararamdaman ni boy na mas malaki ang bird ni girl sa kanya. of course, he feels threatened, insecure and he doesnt like that.
hindi naman sa mas wild ang "panahon ngayon". mas bukas lang ang isip natin kasi naman, di pa ganun kalawak ang kamalayan noon versus ngayon, diba? saka ngayon, mas nakalabas na yung mga non-conservative. meron pa ring mga mapapasign of the cross pag may nakitang bird pero meron ding luluhod at ...sasamba. ngayon, respetuhan nalang sa ibat ibang wildness level ng kultura kung dati ay pinapakuluan sa mantika yung mga taong lumuluhod sa bird.
tulad ng mga lalake, ang mga girls ay umuutot, nangungulangot at shempre, nakikipag sex din naman. tao rin sila. ngayon, sukatan ba ng pagkababae ang pagiging virgin? kailangan ba natin bigyan ng value ang state of virginity? kung babae ka at sarili mong virginity yon, oo naman. pero pag lalake ka, wala ka nang pake dapat kung virgin o hindi si girl. mas timbangin ang itsura, kalooban, laman ng utak, lakas sa rice, pero yung gagawin nya sa flower nya, business na nya yon.
pag usapan nyo nalang mabuti kung anong mahalaga sa inyo. baka gusto ni lalake ng virgin, edi humanap sya ng ganon na patol sa kanya. kung game sya sa babaeng mabuti ang loob, maganda, matalino, kalahati lang kung mag kanin, pero 100 na ang naka sex, edi ok. also, he should love her not despite, but because of her state of virginity(or devirginity). this state is part of what makes women whole.
open mindedness, respect, and true love. yan ang pairalin. ayos ba? <3 -
Lumipat ako galing sa pribadong sektor para magtrabaho sa gobyerno bilang bayad-utang ko sa lipunan tsaka aba e gusto ko nga maglingkod talaga. Kaso wow pare halos lahat ng kachakahan na narinig ko tungkol sa gobyerno totoo pala. Pep talk naman diyan?
are you nuts? kung gusto mo magbayad utang sa lipunan, magdonate ka nalang sa dswd para may makain yung mga street children na dinadampot nila. maasar ka lang dyan lalo nat talamak na kurapsyon ang masasaksihan mo... ay teka, pep talk ba kamo? uh...
go, pare kaya mo yan hihihi <3 -
Sir RB... nasa US ako ngayon and American ang GF ko... araw-araw every morning niyayaya ako mag jogging then sa gabi sex... gusto ko naman gawin pareho pero tao lang ako... napapagod din... dapat ko bang sabihin sa GF ko na napapagod na ko? baka ma-offend
Pare naman, iwagayway mo bandila ng Pilipinas. Be a Manny Pacquiao and make us all proud!!!
-
talaga bang walang pag-asang magka-bf ang mga girls na pang-tropa or tipong one-of-the-boys? :(
Yang mga tipong ganyan nga pang long term kaya bihira magkaron ng loves <3
-
Sir RB, dito po ako Singapore ngayon, naghahanap ng work, ano pong ma-aadvise niyo para di ako malungkot at mahomesick?
isipin mo na matrapik, maraming krimen, bagyo, lindol, sakuna, street children, bulok na pamahalaan saka walang trabaho dito. sasaya ka jan <3
-
sabi ng ex ko "pede ka bang maging friend with benefits?" nakakaasar lang,nagfifeeling.ano kaya dapat kong sabihin?
bigay mo sa kanya ang mga benefits ng tuhod mo sa betlogs nya
-
Sir bat ang galing niyo bumanat? Nakakatuwa.. at malandi!:))
madalas kaya wala ako maisip.. kundi ikaw hihihi <3
-
sir rb, ba't mga tandang dito sa amin sa hating gabi tumitilaok?
sira ang body clock kakatwitter
-
Sir ramon, dapat po ba akong pumayag na tatlo kami sa puso niya?
yung may isang tanga nga nakakainis pa, yung dalawa pa.. wag mo na dagdagan
-
Sir, UP po ang undergraduate ko at sobra kong petiks dati. Nasa UP Law na ako ngayon pero sobra akong tinatamad at naha-hassle-an sa lebel ng pag-aaral ng kailangan. Paano ko naman babalansehin ito at ang lovelife ko?
sabihin mo sa boypren mo, gumawa sya ng krimen tapos habang nakakulong sya, pag aaralan mo maging abogado para makalaya sya agad. so the more you fail, the more he suffers. mamomotivate ka na, balanced pa ang love at school because theyre one and the same
-
minsan kahit msaya maging single, nakakamiss magkaron ng special someone noh? =(
oo naman. pero after mga 1 hr 30 minutes, ok na uli magsolo
-
Kung isa kang killer sa suspense movie, ano ang iyong weapon of choice?
looks. killer looks
-
Baka tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong darating na mas ok.Na mas mamahalin tayo,yung taong hindi tayo sasaktan at paasahin,yung nagiisang taong magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin--sa 1morechance na line yan sir, totoo ba yan :(
baka tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi di nila tayo mahal - sabi ko sa "2 more chances: best of 3"
-
Hi sir! :) anong section niyo nung grade 1? :)
1-maya. teacher ko si teacher dina, ngayon dean na sya ng college of educ. ang ganda pa rin nya :)
-
love is like a ________.
an ipis. nagpapatay patayan, pinagsisiksikan ang sarili sa mundo, hindi "endangered species". naglipana kung saan saan, walang pinipiling lugar at pagkakataon. kahit anong pagpapalayas mo, bumabalik din sa iyo... sa ibang anyo at ibang "level". biglang sumusulpot. maraming natatakot.
at sabi nga ng kapatid ni geno... "chewy". -
What's your favorite Sci-Fi movie?
IMDB's List of Top Sci-Fi Movies
Matagal nang A.I. at laging sumasakit puso ko dun.
-
Meiji’s Bio
Quezon City



Loading...