-
-
what do you miss the most 'bout being a highschool student?..
LAHAAAAAT! nami-miss ko ang mga panahong nagsusuot pa ako ng FOOT RUG. nami-miss kong gumawa at mag suot ng NAME PLATE. nami-miss kong pumasok kapag 1st day kasi bago yung mga gamit ko. nami-miss ko yung mga CHILDISH na asaran namin ng mga kaklasmeyt ko. namimiss kong manukso at mag link ng mga prospect love team sa classroom. nami-miss ko ang mga kaba tuwing kuhaan ng card every grading. namimiss kong TOTOONG number pa yung ibinibigay na grade sa amin kesa ngayong college na 1.0, 1.25, 1.5, 1.75....5.0 lang ang mga pinagpipiliang grades. namimiss kong parusahan ng mga teachers ko. namimiss kong sumali ng mga competition sa schools. namimiss kong tumakbo, sumigaw at tumawa ng malakas tuwing free time. namimiss ko ang amoy ng damo sa oval. namimiss kong mahigad sa tambayan naming puno at club house dati. nami-miss kong sabay-sabay pa kayong nag re-review kapag may exam o recitation. namimiss kong kumopya ng mahahabang lectures sa manila paper. namimiss ko yung SAMA-SAMA kayo buong klase kapag nag pa-powertrip hindi katulad ngayong COLLEGE na wala yatang kasiyahan sa buhay ang mga kaklase mo sa sobrang KJ nila. nami-miss ko ang mga taong nakasama ko sa panahon ng lungkot, ng tuwa, ng tawanan, iyakan, sigawan, harutan, tsismisan, barubalan, pahiyaan, sakitan noong high school. namimiss ko ang mga teachers na HINDI PLASTIC at totoong may concern sa mga estudyante. namimiss ko si aling becky, yung guard na nag mura sakin in public dahil bawal dumaan sa front gate ng school namin, namimiss ko ang mga cook sa canteen namin na wala atang ibang alam lutuin kundi giniling na may isang sakong patatas at meatballs. nami-miss ko ang KASIMPLEHAN ng BUHAY ESKWELA noong HIGH SCHOOL. duon ko lang naranasan na LOOKING FORWARD ako palagi sa KINABUKASAN dahil alam kong PAPASOK nanaman ako sa PAARALAN. :')
-
Do you like kiwis?
YES! they're great with black shoes. :)
HAHAHA! :)) -
Masaya ba magkaroon ng Best Friend?
wala akong BEST FRIEND. at hindi ako naniniwala sa konsepto nun. isa lang yung malaking ka-ipokrituhan.
-
Ano ang pakiramdam kapag para sayo napakahalaga ng taong iyon... Pero para sa kanya balewala ka?
HAHAHA. seryoso hindi mo pa nararamdaman? :)) well, impyerno. para fulfilling pag napag-wagian mo yung battle sa pag mo-move on. tapos pagtatawanan mo nalang pag naalala mong minsan sa buhay mo e nabaliw ka sa kanya. :)
-
Gumawa kaba ng slambook dati tapos pinasusulat mo ang mga classmate mo with dedication?
soo ELEMENTARYYYY! HAHAHa. :)) oo gumawa ako nyan nuon. tapos yan yung number 1 reason kung bakit nagkakaroon ng tampuhan sa classroom pag may classmate kang hindi ka pinapasagot. HAHAHA. :))
-
Nag FLAMES ka dati? para malaman mo kung bagay kayo ng crush mo?
HAHAHA. OO naman. boring ang kabataan mo kung ni minsan hindi ka sumubok mag flames o kung hindi ka umasang totoo ang bawat letrang nag co-correspond sa F.L.A.M.E.S.. haay, ang hiwaga nga naman ng pag-ibig. HAHAHA. :))
-
Bakit pag gusto mo ayaw sayo?
HAHAHA. :)) gusto kasi natin nati-thrill tayo. kung halimbawa ikaw, malaman mong gusto kita, syempre hindi ka na macha-challenge sakin dahil alam mong may gusto ako sayo kaya maghahanap ka ng iba na mas challenging sa part mo. kagaya lang yan nung may crush ka, as in kulang nalang sambahin mo sya, tapos nung nalaman mong may gusto din sya sayo, mababawasan na yung thrill at excitement na nararamdaman mo toward him/her. :)
-
given the situation that your ultimate crush has a crush on you too but sadly he/she is taken. will you tell him/her to leave his/her gf/bf for you? why yes/not?
HINDI siguro. wala akong nakikitang solid na rason para mas piliin nya ako kesa sa boyfriend nya. besides, crush lang naman ang namamagitan sa amin. at alam kong sooner or later ay mawawala din yung feelings na yun. saka kung para sayo talaga sya, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para mapunta sya sayo. :)
-
brain o heart??anong susundin mo??
BRAIN. walang gawang mabuti ang emosyong hinugot mula sa puso. :D [lalim no? HAHAHA. napaghahalataan tuloy na bitter ako.] :)))
-
angel ka po ba? kc pag nakikita kita parang nasa langit n ako e =)
hulog ako ng langit. hindi daw ako bagay dun! haha :))
Mary Grace’s Bio
I embody the irony I always speak of, so back off.




Loading...