
Bakit ka makikilala sa mundo? Anong magagawa mo para ikaw ay hindi makalimutan?
(Hmmm... were you the one who asked me my last few questions? It'd be nice to know who's been asking me such thought-provoking queries. :D)
Ang pagkakakilala at pagkakaalala ng mundo sa isang tao ay depende sa interes ng mundo: kung anong mga katangian, mga idelohiya, at mga panglabas na anyo ang pinahahalagahan ng karamihan. Gumawa ka man ng mga bagay na kapansin-pansin, hindi mo din malalaman kung paano ito tatanggapin ng mga tao sa hinaharap. Maaaring hindi ka din paniwalaan, o maaaring ikaw ay kamuhian pa, at sa huli ay makalimutan din.
Dahil dito, hindi ako nag-paplanong maging tanyag o maging "imortal" sa isipan ng tao. Totoo na masayang isipin ang ganitong mga bagay; mahilig din akong mangarap na isang araw ako'y magiging sikat na manunulat at pilosopo, na ang aking mga isusulat ay ituturo sa mga paaralan. Ngunit alam ko na ito'y pantasya lamang. Dahil alam kong walang saysay ang pag-depende sa nakararami para sa aking sariling kaligayahan (o para sa pagkaligtas ng aking kaluluwa), hindi ko masyadong pinapansin ang nais ng iba pag ako ay nagdedesisyon. Ako ang may responsibilidad sa aking mga pagkakamali, at mga tagumpay. Kung makalimutan ng mundo ang mga iyon ay wala na akong pakialam. Alam kong ang Langit naman ay makaka-alala, at iyon lamang ang mahalaga.
