5/8/13 – Great news friends, Formspring has been saved and is now under new management. Get ready for some cool and exciting new features. Stay tuned for more updates and happy posting!!

Ask me anything

Smiled Responses

    1. ramon bautista

      Nakakaturn off po ba yung mga babaeng di nagsusuklay?XD

      mas ok na yung magulo buhok kesa magulo kausap hihihi <3

    2. ramon bautista

      Sir Ramon. mttwag ba na friend zone eto.. "Girlie namiss kita.. tpos rply nya sken.. :) u mean the conversation db?" nga pla nsa Saudi ako nsa pinas nman si girlie..

      desert zone ang tawag sayo. kahit sabihin nyang namiss ka din nya as a person, anlayo mo naman para makapag damoves tulad ng "cobra", "double holding hands", "apir-spin-hug", saka ng experimental "kalawit bewang technique" hihi <3

    3. ramon bautista

      sir! formspring's going to shut down on the 31st! ano gagawin mo? :(

      4Rs of moving on. reverse bittering, return of stuffs, rebound, at shempre revenge.

    4. ramon bautista

      sir gano kaimportante ang waistline gayong lovestory naman ang bubuuin nyo at hindi porn?

      importante ang waistline dahil ang lovestory na bubuuin nyo ay pang long term, at pag mataba ka baka ibig sabihin nun marami ka rin cholesterols sa babara sa heart o sugars na delicades sa blood. iba na healthy <3

    5. ramon bautista

      Sir RB, Ano po ba meaning ng " More than best friends but less than lovers "

      "binobola lang kita, ayaw ko lang talaga mag commit"

    6. ramon bautista

      Sir, nakakainsecure po ba para sa mga lalaki ang mga babaeng may matataas ang IQ? salamat po :)

      nakakainis lang kasi mahirap utuin hihihi <3

    7. ramon bautista

      Sir, Im in a 5yr-LDR. Fairview-Paranaque. Graduating student na po ako ng Dentistry UE habang sya call center agent pa din. How do I get out of this relationship? Parang wala akong future skanya. Hirap lang kilalang kilala ko na xa at family nya.

      abangan mo yung susunod kong libro, sakto sayo: "HELP!!! Ayoko na sa Shota Ko!" <3

    8. ramon bautista

      Hi RB! Anong masasabi mo tungkol sa status na "Friends with Benefits"? Similar din ba yun sa MU (Mutual Understanding)? Thanks. :D

      yung FB based sa seks, yung MU based sa kilig. ang masasabi ko lang e, pag papasok ka dyan sa parehong yan, siguraduhin mong matalino ka at responsable

    9. ramon bautista

      sir totoo ba na pag napanaginipan mo isang tao ibig sabihin namimiss ka? hehe

      pag napanaginipan ko ba si dracula, namimiss nya ako? hihi

    10. ramon bautista

      sir, pano maging stress free ang buhay? :)

      maging taong grasa ka <3

    11. ramon bautista

      Sir RB, paano po kung yung kaibigan ko, puro patama siya sa FB account niya tapos ako na pala tinutukoy niya?

      ang rule e, hanggat hindi ka tina-tag, hindi ikaw yon

    12. ramon bautista

      Sir Ramon, nabuntis ako ng ka-fubu ko. Anong gagawin ko? :( ayaw naman niya ako panagutan. :'''(

      Galingan mo nalang sa life at pag aralin mo yang anak mo nang di ka tularan na pa may pa fubu fubu pang nalalaman

    13. ramon bautista

      master, pano po pag ang mahal mo ay may asawa na pala?

      Ang kailangang sagutin e, bakit ang tanga mo hihi

    14. ramon bautista

      sir ramon, hello po.. ask ko lng kung ok po ba na parang kayo ng isang girl/boy pero wla nmn kayong commitment? tnx po :)

      Ok kung landi landi and kilig lang habol mo. Pero come to think of it, maski naman maging kayo, posible pa rin maganap ang ninjahan e hihihi

    15. ramon bautista

      Sir may crush po ako & crush din nya ako dati kaso after naming magkiss(1st kiss daw nya ako) hindi na nya ako pinansin. kaklase ko siya & 1 time pinakita nya sa akin & sa friend ko ung saved texts & pic naming dalawa. ano meaning nun eh ang tagal na nun?

      Bad breath ka siguro. Pag magkatext naman, hindi yon halata <3

    16. ramon bautista

      Sir my chance bang maging straight ang isang beki..?

      Kung mahal mo talaga sya, ikaw ang magbago. Magpalagay ka ng bird saka balbas <3

    17. ramon bautista
      ramonbautista responded to jotbab 26 Feb

      yung bf ko nagagalit pag kausap ko yung ex ko. friends naman kami nung ex nia. does it mean affected pa rin sya kahit sabi naman nia naka move on na sya?

      Iniisip nya na may landian na magaganap. Wag mo nalang kausapin ex mo para hindi mainis yung bf mo. Gusto mo ba dikitan nya ng bubble gum buhok mo para mainis ka? Pwes, walang inisan ng kinaiinisan

    18. ramon bautista

      sir ramon may pag asa paba ako kay crush na minsan na akong binusted ?

      Meron pero maliit lang. Pag asa na mabasted ka uli, mas malaki. Makinig ka nga sa kanta ng sandwich na walang kadala-dala

    19. ramon bautista

      sir nature ba talaga ng mga boyet ang secretive pagdating sa feelings? kailangan din naming mga girly ng ego boosters!

      Matipid ang boys mag show ng feelings kapag chaka ang girl, pag may ibang pinopormahan or baka ayaw talaga sayo hihi <3

    20. ramon bautista

      Master monra, matagal na po akong umamin sa kanya mga 1 taon na siguro. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano yung feelings niya para sa akin. Nagkakatext naman po kami. Aasa pa rin ba ko or move on na?

      Itanong mo ng rekta para mabigyan ka din ng rektang sagot nang maka usad ka na sa life ok?