-
-
Pag ba nanghingi ng space ang lalaki/babae na in a relationship, may possibility na may 3rd party?
o kaya bakla yung lalake. na may 3rd party! PAK!
-
Sir Pogi, ano ba ang ibig sabihin kapag sinabi ng lalaki na kilig lang ang basis niya sa isang relasyon at pag nawala yun, ewan nalang niya. Ganun ba talaga ang karamihan ng lalaki? Hanggang kilig lang?
eto ang theory ko sa kilig: mag la-last lang sya 3 months before-, and 3 months after maging kayo. magp plateau na pagkatapos non o kaya magfe fade out na. pwede nyo i extend pero hindi tatagal yan forever. so pag napagod na kayo sa kilig, ano na? game pa kayo?
-
Wish ko para sa inyo sir, maexperience niyo na yung true love! Yung tipong makakalimutan niyo na kayo si Ramon Bautista. Hahaha!
wish ba yan o sumpa? hihihi <3
-
What is your stand with pre-marital sex?
Ang i-a-assume kong definition ng pre-marital sex ay ang anumang form ng sex sa kahit sino na hindi kayo kasal. yun ha? kasi medyo broad ang definition ng word na ito - pwedeng nakikipagsex sa boyfriend/girlfriend (na may commitment), or pwede casual lang with strangers! (Para sa akin, magkaiba ang context ng dalawang ito, pero baka maging masyadong detailed, so pag-usapan natin ang topic in general.)
Anyways, ang stand ko diyan ang PRO-choice. Kahit ano ang gawin mo, mag-pre-marital sex ka man o i-save mo man ang iyong virginity, okay lang yan, basta personal mong paniniwala yan, choice mo yan, at ginagawa mo yan para sa sarili mo. The moment na hayaan mong diktahan ng ibang tao sa kung magpre-pre-marital sex ka ba o hindi, laos ka.
Kailangan ang decision mo ay nagawa mo on your own - makikipag-sex ka (or hindi) para sa sarili mo, hindi dahil na-pressure ka ng boyfriend/girlfriend/parents/friends/etc. Dapat inisip mong mabuti at pinakiramdaman mong mabuti ang sarili mo - ready ka ba? tingin mo ba ay tama? mapapanindigan mo ba ang mga resercussions ng gagawin mo? Kung mabibigyan mo ng sapat na logical reasons ang sarili mo sa mga gagawin mo, GO FOR GOLD!
Basta pre-martial sex man o abstinence, gawin mo ito para sa sarili mo, hindi para pasayahin lang ang partner mo o ang mga magulang mo, o para sa image mo. Gawin mo kasi iyon ang tama para sa iyo, gawin mo kasi iyon ang mapapanindigan mo. :) -
so sir ibig nyo pong sabihin wala nang value ang virginity sa panahon ngayon?
ok para matapos na yang virginity kadramahan na yan ha
yung mga lalake na malalaki ang ego na maliit ang bird, ang gusto, virgin si girl kasi number 1) gusto nila sila ang makauna. pag sila ang nakauna, sila ang mas nanalo ng reward, kumbaga. "ako nakauna jan" ang hirit na pangyabang mala first man on the moon o kaya unang nakatapak sa tuktok ng everest. sus, ginawa namang adventure yung babae. tao sila ok? number 2) si girl ay "pure". hindi talipandas, maharot, malandi, pokpok, mahalay, at kung ano anong paratang na katumbas ng pagiging malibog. ayaw ba ng mga lalake sa babaeng malibog? hindi naman, ok nga yun e. pero mas ok sana kung lalabas na malayo ang agwat ng level of hornyness ni boy kay girl. pag si girl ay mas promiscuous kay big ego boy, mararamdaman ni boy na mas malaki ang bird ni girl sa kanya. of course, he feels threatened, insecure and he doesnt like that.
hindi naman sa mas wild ang "panahon ngayon". mas bukas lang ang isip natin kasi naman, di pa ganun kalawak ang kamalayan noon versus ngayon, diba? saka ngayon, mas nakalabas na yung mga non-conservative. meron pa ring mga mapapasign of the cross pag may nakitang bird pero meron ding luluhod at ...sasamba. ngayon, respetuhan nalang sa ibat ibang wildness level ng kultura kung dati ay pinapakuluan sa mantika yung mga taong lumuluhod sa bird.
tulad ng mga lalake, ang mga girls ay umuutot, nangungulangot at shempre, nakikipag sex din naman. tao rin sila. ngayon, sukatan ba ng pagkababae ang pagiging virgin? kailangan ba natin bigyan ng value ang state of virginity? kung babae ka at sarili mong virginity yon, oo naman. pero pag lalake ka, wala ka nang pake dapat kung virgin o hindi si girl. mas timbangin ang itsura, kalooban, laman ng utak, lakas sa rice, pero yung gagawin nya sa flower nya, business na nya yon.
pag usapan nyo nalang mabuti kung anong mahalaga sa inyo. baka gusto ni lalake ng virgin, edi humanap sya ng ganon na patol sa kanya. kung game sya sa babaeng mabuti ang loob, maganda, matalino, kalahati lang kung mag kanin, pero 100 na ang naka sex, edi ok. also, he should love her not despite, but because of her state of virginity(or devirginity). this state is part of what makes women whole.
open mindedness, respect, and true love. yan ang pairalin. ayos ba? <3 -
Hi, sir. It's always bothering me kung bakit wala pa ring nanliligaw sa'kin. Everyone says I'm pretty, sexy and and bubbly. Are guys too intimidated or what? :(
feelingerness is quite intimidating also
-
Hi Sir! Pupunta ka talaga ng UST bukas?:)
oo. ang lecture ay "how to be an internet action star" <3
-
Pretty, Cj! :)
-
ate cj ang pretty mo hihi
-
sir rb may problema ako. may kilala akong magkaibigan, nagaaway dahil sakin. hindi ko naman nilalandi iung magkaibigan. hindi ko maintindihan! never naman ako dumamoves dun. mahirap ba kapag magkaibigan tapos parehas kayo ng gusto na babae?
ay sorry miss, excuse me natatapakan ko po buhok nyo dito sa amin
-
May nanliligaw po sakin na guy, gusto ko na po sya at nararamdaman din nya yun. Kumbaga kasi sir, MU na kami. Pero hindi ko sya masagot dahil sa financial issues. May mga times po kasi na -prt1
ako pa yung sumasagot sa pamasahe namin pag may date, o kaya sa pagkain namin. Alam ko po na hindi dpt tinitignan yung bulsa sa love, pero di ba po parang di praktial kung sasagutin ko sya? slamat po! -prt2
sabihin mo sa kanya, wala syang karapatang umibig pag wala pa syang trabaho ok? -
Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas, anong una mong iso-solve? at baket?
ipapa free wi-fi ko buong bansa
-
sir Rb kung papipiliin kayo. maganda na medyo chubby or panget na super sexy??? Pili ka na sir Rb. :)
dun ako sa mejo chubby
CJ de Silva’s Bio
Art Director | Painter | Illustrator | Graphic Designer







Loading...










































