Ask me almost anything.

RSS Feed
    1. CJ de Silva
    2. CJ de Silva
    3. CJ de Silva
    4. CJ de Silva
    5. CJ de Silva

      Hmm.. I think relatively, mas mura ang UP Viscomm kaysa sa UST or sa CSB. Kasi as far as I know, Php 1000 per unit ang UP. And since second degree ka, ibawas mo pa yung mga minor subject, around 9 units ka lang a sem.:D Mura na yun!

    6. CJ de Silva

      Hmm.. Patingin muna ng current hair mo and of course, sana makita kita.:) Mahirap magbigay ng suggestions lalo na a haircut kapag di mo nakikita. :)

    7. CJ de Silva

      Are you testing my grammar skills? Hahaha.

      And DO, DOES at DID ay verbs o action words.

      DO - present tense, plural subject
      Example:
      "Do the cats want some food now?"
      Pero ang mga pronoun na I(ako) at YOU(ikaw) ay sakop ng rule na ito.
      Example:
      "Do you want to go home now?"
      "I do not like drama."

      DOES - present tense, singular subject
      Example:
      "Does Loki think he can actually beat the Avengers?"

      DID - past tense, kahit gaano karami ang subject, basta tapos na ang ginawa
      Example:
      "I did something important last night that's why I woke up late."
      "Did the bands play well last night?"

    8. CJ de Silva

      HAHAHA! Jeez, papakita ko ito kay Wincy, maaliw 'yon. Yung hula mo naman ay hindi nalalayo sa tunay na context nung statement. Pero heto ang kwento sa likod ng statement na yan.

      Kainitan noon ng Rafa Santos-cat food issue at syempre, napag-usapan namin yon. And we had a theory that maybe Rafa Santos just (ignorantly) thought what he said was just funny. And if you think about it, it's a hyperbole. But his statement was out of context that's why a lot of people reacted, he was in national television. Ano nga bang naisip namin -- naisip namin, baka kaya akala niya funny, kasi sa kakanood nya ng foreign TV shows at movies. Kasi kung sa HIMYM sinabi yung catfood statement, baka maraming natawa. Na parang baka sa kakanood natin ng foreign TV shows, nakakalimutan natin ang sensibilities ng ibang tao, ng mga Filipino. Sana naeexplain ko nang maayos, hehe.

      So I think malapit nga yung hula mo. Ibig sabihin nung sinabi ni Wincy eh ang life ay hindi isang comedy episode, marami siyang complexity at hindi lang ikaw ang cast, kaya dapat maging sensitive ka sa ibang tao.

      ***

      Actually, hindi ako nanonood ng HIMYM. :P Parang ang dami na nyang seasons para habulin ko pa. Pero mahilig rin akong manood ng TV series. Marami akong pinapanood pero ito ang mga paborito ko: The Simpsons, Fringe, Sherlock, House at ang all-time gulity pleasure ko -- Gossip Girl. Yung mga sa bago, tawang tawa ako sa New Girl at Happy Endings. :)

    9. CJ de Silva

      Haha, haven't been to HK or SG for a very long time. Pero pwedeng pwede naman ako magtanong sa aking well-travelled friends! Ayon sa kanila, safe nang allowance ang Php 25,000, hindi pa kasama ang hotel mo at airfare. :)

    10. CJ de Silva
    11. CJ de Silva

      Hindi ata GE ang Film 100. Mas maigi kay Ramon Bautista ka magtanong kasi sya an CMC. Ako ay CFA.:D

    12. CJ de Silva

      Hi! Ayon kay Wincy Aquino Ong, iyon daw ay isang line hango sa comics na X-men. Line daw yung ni Magneto kay Juggernaut: "Patience, Dear Juggernaut." Si Juggernaut kasi ay isang macho man na mainitin ang ulo. Ito siya: http://images.wikia.com/villains/images/3/36/Juggernaut_2.jpg

    13. CJ de Silva

      Walang anuman.:) Sana nakatulong ako! At oo I agree with you na dapat may natututunan. May gusto akong i-share sa yo! Nung college kasi, narealize ko, maiging i-balanse o i-prioritize ang classes na UNO-able lang pero low learning at ang mahirap i-UNO pero intense learning. :)

      Baka makatulong sa pag-e-enjoy mo nang pag-aaral na mag-enlist na 3:2 (5 subjects in a sem diba?) 3 na UNOable at 2 na intense! Para makafocus ka sa intense!:)

    14. CJ de Silva
    15. CJ de Silva

      Parang hindi mo kailangan ng comfort, kailangan mo ng reality check! Sorry!

      Swerte yung mga other people kasi mayaman ang parents nila, oo. May mga kilala nga akong dahil grumaduate lang (which is the minimum requirement) ay pinapa-European tour na ng mga magulang nila. Mas maswerte sila.

      Pero hindi tayo pare-pareho. May mga kabataan rin naman na "dream" na para sa kanila ang makapag-aral ng college. Swerte ka kasi nag-aaral ka ng college at nasa University of the Philippines ka pa. Swerte ka kasi gagraduate ka mula sa premiere school (sana grumaduate ka diba) at to be blunt about it, siguro 40% mapapadali ang paghahanap mo ng trabaho dahil UP graduate ka. Swerte ka na nun.

      Honestly, ayaw kitang i-comfort. Kasi hindi naman problem yan. In fact, material WANTS yan, hindi man nga NEED. Una, naaawa ako sa mga magulang mo kasi sumasama ang loob mo sa kanila kasi may hindi sila maibigay sa iyo. Na alam ko, for sure, sa kalooban nila, kung kaya nilang maibigay sa iyo, ibibigay nila. Ganun naman ang mga magulang - ibibigay ang best na makakaya nila.

      Pangalawa, kailangan mo ba talaga ng iPhone 4S, iPad 2, macbook at SLR? Kung taga UP Film ka, maiintindihan ko ang dSLR, pero kasi noong nag-Photography class ako, nanghiram lang nga ako. At marami akong kilalang director na nanghihiram lang rin ng camera. Siguro dapat mong tanungin sa sarili mo bakit mo gusto makuha ang mga bagay na ito sa level na nalulungkot ka at nasasaktan. Hindi kaya parang funny ka?

      Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero noong sophomore student ako sa UP, 7210 yung cellphone ko at mayron lang ako second hand iMac. Ngayon, may macbook ako dahil binigay sa trabaho. Bumili ako ng iMac na second hand mula sa inipon kong sweldo, para magamit ko at nang buong pamilya. May iPhone 4S ako kasi libre sa plan ng Globe. iPad2 ko, birthday gift ni Wincy. So ano ang punto ko? Lahat ng gusto mo, makukuha mo kung may trabaho ka na at nakakaipon ka na.

      May mga pangaral ang tatay ko sa akin na hanggang ngayon, fundamental kong sinusunod: 1. "Wag mong yakapin ang posteng hindi mo kayang yakapin."
      2. "Mas malaki ang pera, mas malaki ang problema. Ang mga milyonaryo, worth ng milyon ang problema." (I-context natin sa iPhone 4S: Kung may iPhone 4S ka, kailangan mag-keep up ng lifestyle mo. Kailangan mo ng mobile internet kasi di mo yan maeenjoy ng walang internet. Kailangan mo ng mamahaling maintenance kasi bawal fake.)

      Pasensya ka na pero kailangan mong mag-isip-isip ng priorities.

      At nag-sermon ako boys and girls, bow.

    16. CJ de Silva
    17. CJ de Silva
    18. CJ de Silva

      Maraming salamat!:)

      Ang ibig sabihin ba ng GA ay Graphic Artist? Kung iyon ang ibig sabihin - eto ang sagot ko: just immerse yourself into different sources of inspirations - movies, music (and the album art), music videos, book (especially book covers), basta lahat. Design is everywhere naman.:)

      Hope i helped! Punta ka rin from time to time sa www.illustrationmundo.com at smashingmagazine.com :)

    19. CJ de Silva

      Hmm, sa tingin ko kasi, medyo nahahassle ang mga lalaki sa mga confrontation, lalo na kung group. Pero mas magiging magulo kung isa lang ang kakausapin mo sa kanilang tatlo, kasi magkakaroon ng "lost in translation" moments. Magkakaturuan na kesyo, "sabi ni W, eto ang problema." Complicated.

      Siguro, para mas simple, Wag ka nang mag-effort pang makipag-usap. Minsan mas maiging palipasin na lang. Kasi kung tunay silang lalaki, walang ganitong problema, kung tunay na lalaki ang mga kaibigan mo, sasabihin nila yan straight sa yo, or tatanggapin na lang nila.

      Baka mas okay kung hayaan mo na lang. Two-way ang friendship - kung gusto mong ayusin, dapat sila rin. Wag ka nang mag-effort.

    20. CJ de Silva
Profile Shuffle Grab Widget
friends
smiles
1 this week
84 all-time

CJ de Silva’s Bio

Art Director | Painter | Illustrator | Graphic Designer

Who made CJ de Silva smile

  • jhonel faelnar
  • ramon bautista
  • Pilar Pedrosa Pilar
  • Kath
  • Zieckiel
See all »

Who CJ de Silva responded to

  • jfreshOFFICIAL
  • Yasminam2012
  • Ogs Ablazo
  • BrilliantEsrah
  • Kath
  • Golda
  • polelele
  • jhonel faelnar
  • Emman Reyes
See all »

Who CJ de Silva is following

  • Pilar Pedrosa Pilar
  • Jono de Rivera
  • jhonel faelnar
  • ramon bautista
See all »

Who is following CJ de Silva

  • foreverateen21
  • Sabbie D
  • Paige
  • lendl mae
  • Percy Calabera
  • BrilliantEsrah
  • Lady June Duran
  • dumarsh
  • IamSuperJologs
See all »