Baby, talk talk talk to me. <3

RSS Feed
    1. ramon bautista

      Yung crush-friend ko 1) pogi, kaya nga ko na-attract agad sa kanya 2) charismatic, sobrang witty magsalita at 3) may plano sa buhay, magastos minsan pero alam kung san siya patungo. Isa nga lang problema. Di niya naman ako gusto. Nyahahaha!

      Crush ko din ang perpektong babae na si zooey deschanel pero wala man lang ako sa radar nya. Pano ngayon? Edi wala.

      Reverse bittering ON. ok na.

    2. ramon bautista

      Are you more introverted or extroverted?

      maraming sasagot nyan kung kasama sa choices yung "perverted". daming manyakis dito e hihihi

    3. ramon bautista

      Yung ex ko, nagmsg sakin sa FB, tumataba daw ako. Nagulat ako, bigla nya ako minessage e hindi naman kami okay, di naman kame bati. Sinabi ko nalang na bakasyon kase. Ano gusto nya palabasin? Na napabayaan ko na sarili ko dahil nawala sya sa buhay ko? Duh

      dapat kasi di mo na pinagtanggol sarili mo. dapat di ka na nagreply.

      teka baka yung tinaba mo, talagang jumbo sa laki

    4. ramon bautista

      Isa akong fall back best friend. Gusto ko pa rin sya kahit na nasasaktan na ako. Masarap magmahal pero lagi ba talagang may kabalikat na sakit sa damdamin yun? Pano ko mababago ang kapalaran ko?

      hindi ka fallback best friend. hindi ka best friend at all. door mat ang tawag sayo. may gusto ka kasi sa kanya at kung yan ang ideya mo ng unrequited love, wag kang umangal na nasasaktan ka ok?

    5. ramon bautista

      sir ramon,ano po ba ang mild way of saying..."hindi mo naman kelangan magpaliwanag kase wla nmn ako pki alam sau,ni hindi nga kita hinahanap hanap"..para po ito sa ex na ngpu fumeeling.

      captal K period

    6. ramon bautista

      Sir ramon sagutin mo nman, pano kung nbubuksan ko pdin fb account ng ex ko na nangloko sken? Anong mgandang revenge dahil kumagat sya sa kalandian ng kaibigan ko >:)

      the best revenge is to live an awesome life

    7. ramon bautista

      Na-friendzone ako nung kumuha pa sya ng props na manliligaw "kuno" para patayin ang pag-asa ko sa kanya <//3

      napaka creative nya. kung chicks ako, gagayahin ko yang technique na yan <3

    8. ramon bautista

      Happy birthday sir! ano po ba ang wish nyo sa birthday nyo?

      maraming salamat sa mga bumabati. nakakaoverwhelm. masaya na ako na tuloy tuloy ang streak ng taon na buhay pa ako. everyday parang bday ko kasi nararamdaman ko through my internet love trapezoid na namamayani pa rin ang love, friendship and goodwill. i love you all <3

    9. ramon bautista

      sir mon anong payo mu sa mga estudynteng tamad mag aral like me?

      wala akong payo, kundi pananakot na magiging taong grasa ka pag hindi ka nagsipag

    10. ramon bautista

      Ginawa ko na lahat ng pagmomove on pero wala pa din. Ano gagawin ko, Sir? :( gusto ko lang mahalin niya ko. Pero ayaw ko na umeffort kasi ako nalang parati nangunguna. Ayaw ko naman pumatol sa iba kasi siya lang talaga. Ayaw ko talaga mag settle for less.

      gusto mo tulungan kita mag move on sa pamamagitan ng pagsabi sayo ng mapapait na katotohanan about kung gano nya ka-ayaw sayo at habang iniisip mo sya, wala ka man lang sa radar nya, at yung pag asang nakikita mo, cheesy ideas lang na galing sa sine? gusto mo sabihin ko din sayo na ang creepy mo na sa mga paningin nya dahil ganun talaga pag ayaw sayo, para kang creepy?

      sabihin mo lang hihihi <3

    11. ramon bautista

      Sir. Ngayon ko lang nabasa yung introduction niyo sa Suplado Tips 2, eh kung gumawa ka na po ng manual of reverse bittering or the art of pre-emptive supalpal? :) Hihi. Love you Sir!

      nasa libro ko yan na "Sampung Dahilan Kung Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo"
      coming soon

    12. ramon bautista

      sobrang nahhurt na ko sa pagrrant sakin ng crush ko abt sa crush nya. pero ngrereply parin ako kasi un lang ung way para mgkausap kami. sobrang pathetic na ng ginagwa ko pero yoko parin tigilan. akala ko pa naman nuon hndi ako magpapakatanga sa love :(

      na double friend zone ka. manood ka ng jolina-marvin movie na paborito natin dito sa formspring nang malaman mo kung ano nangyari at nagkatuluyan pa rin sila sa dulo. but of course, that was just a movie <3

    13. ramon bautista

      Sir normal lang ba ang makipagholding hands sa lalaking barkada?

      may malisya ka, o may malisya sya. or both. kung may taong abangers na may crush sa inyo, malulungkot pag nakita yan

    14. ramon bautista

      Sir. Madaling ako ma-depress at ma-down especially kung may mga dumadating na mga negative things sa buhay. Any advice?

      sabi nga ni jun sabayton "magiging ok din ang lahat"

      narinig ko na maraming beses pero gumagana e

    15. ramon bautista

      Sir RB! Ano po ma-r-recomend ninyo na movies na magpapakita kung paano magmahal ng tunay?(5 movies po) ü

      many to mention pero magbibigay ako ng naiisip ko bigla
      1. a walk to remember
      2. labs kita okey ka lang

      http://www.youtube.com/watch?v=-L4J85qppCY

      3. days of being wild (hk)
      4. 500 days of summer
      5. a very long engagement (france)

      Play

    16. ramon bautista

      Sir RB, bakit ganun? Friends lang kami pero sobrang affected ako na mejo lumalayo na siya sakin. Nakakainis lang kasi dati naman di siya ganito.

      may gusto ka sa kanya at clingy ka. kailangan maging strong ka at marealize mo na hindi sa kanya umiikot ang mundo <3

    17. ramon bautista

      sir RB! idol! matagal ko na pong tanong sayo ito, pero wala pang sagot.. paano po kontrahin ang pagka-ilang? i mean, naiilang na po kasi siya sakin mula nung umamin ako sa kanya. ano po magandang gawin? nagmomove narin po ako, ayaw ko lang na naiilang sya

      malamang mailang yon, umamin ka ba naman sa taong walang interes sayo romantically shempre iisipin nya lahat nalang ng interaksyon nyo may malisya. nilagay mo sya sa posisyon na makakapag feeling sya.

      matagal ko nang sinasabi sa inyo na pag may gusto kayo sa isang tao, iparamdam nyo lang at pag nailang sya, sabihin mo, "feeeeliiiinggggg" <3

    18. ramon bautista

      Sir, bakit kaya ganun. After namin mag-"afternoon date" nung guy friend ko na crush ko, hindi na nagparamdam sakin?

      may ginawa ka sigurong hindi likeable like ordering 3 extra rice for yourself only.

      remember girls, dont order extra rice on the first date

    19. ramon bautista

      ano po mapapayo nyo sa mga incoming freshies ngayon? lalo na po sa mga galing province na mag aaral sa manila. in my case, sa ateneo po ako papasok kaya kinakabahan po talaga ako :(

      naku galingan mo mag english jan sa ateneo mapag iiwanan ka hihihi <3

    20. ramon bautista

      is it really not advisable for exes to become friends?

      no way! because love does not die and just lay dormant

Who made aixcela smile

  • ramon bautista
See all »

Who aixcela responded to

  • regina orayan ramirez
  • rhaz
  • Kharl Eves Carpina
  • Hannah Villa
  • DIEGO
  • Nettie
  • Claudz
  • Jan Ysabella Sumilang
  • aggatha
See all »

Who is following aixcela

  • Mariane
  • regina orayan ramirez
  • juliusbungalso
  • ChicoPadrino
See all »